Manila, Philippines – Nagsasagawa ng follow-up operation ang magkakasanib na pwersa ng pulisya kasunod ng pagkakasamsam sa 369-million pesos na halaga ng shabu sa Martinville Subdivision, Las Piñas City.
Ito ay matapos na hindi maabutan ng mga otoridad ang subject ng search warrant sa isinagawang raid kagabi.
Partikular na subject ng search warrant ang isang Mr. Lee na gumagamit ng mga alyas na Johnny, Sy, Jen, Luk, Jimmy, Pilay at Tanda
Sa naturang raid, nasamsam ang pitumpung pakete na may tig-iisang kilo ng shabu.
DZXL558, Joyce Adra
Facebook Comments