FOLLOW UP REPORT | Babae, tumalon sa 4th floor ng SM North EDSA

3563

Manila, Philippines – Patay na ang hindi pa nakikilalang babae na tumalon sa ikaapat na palapag ng SM North Annex kaninang alas-dose ng tanghali.

Ito ay kinumpirma ni Col. Lito Mantala station Commander ng QCPD Station 2.

Aniya, bago ang insidente bumili muna ng monoblock chair sa isang hardware ang babae saka at ginamit na tuntungan para makatawid sa barrier sa 4th floor.

Bumagsak sa isang stall sa lower ground floor pero wala naman nadamay sa insidente,.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng QCPD station 2 na posibleng problema sa pamilya ang dahilan ng pagtulon ng biktima dahil sinasabi ng mga saksi na kasama daw ng biktima ang kanyang mag-ama.

Tuloy-tuloy naman ang imbestigasyon ng ng QCPD sa insidente para matiyak kung suicide o sinadya ang insidente.

matatandaan na nitong lang din buwan isang lalaki naman ang namatay sa parehong gusali matapos saksakin sa loob ng mall.

Facebook Comments