Follower ni Abu Sayyaf Top Leader Radulan Sahiron sumuko sa militar sa Sulu kasama pa ang isang ASG member

Sumuko sa militar ang follower ni Abu Sayyaf Group Top Leader Radulan Sahiron at isa pang Abu Sayyaf member sa Sulu kamakalawa.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Colonel Gerry Besana ang naarestong follower ni Radulan Sahiron ay kinilalang si Nidsmar Annuddin, 23 anyos at isang pang ASG member na si Limo Ammad, 45 anyos na follower naman ng nasawing dating ASG Sub Leader na si Alhabsy Misaya.

Iniharap ang mga ito kay Brigadier General Ariel Felicidario III,  Brigade Commander ng 1101st sa headquarters ng 21st infantry battalion sa  Barangay Danag, Patikul.


Agad silang isinailalim sa  medical check-up at custodial debriefing.

Isinuko rin ng dalawa ang kanilang  m16 rifle at isang garand rifle.

Facebook Comments