Follower ni ASG Sub-Leader Alhabsy Misaya, sumuko sa militar

Manila, Philippines – Kusang loob na sumuko sa militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na tagasunod ni ASG sub leader Alhabsy Misaya sa lalawigan ng Sulu.

Kinilala ang ASG sub leader na si Jul Asbi Alyas Imbuh.

Ayon kay Captain Jo ANNE Petinglay ang tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command alas-10:00 ng gabi noong Sabado ng kusang loob na sumuko ito kay Joint Task Force Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana.


Isinuko rin ng bandido ang kanyang caliber 30 machine gun.

Si Alyas Imbuh ay nagsilbing local contact ng Abu Sayyaf GROUP at kidnap for ransom group sa isla ng Banguingui.

Sa panayam ng militar kay Misuari inamin nitong marami pang miyembro ng ASG ang nagnanais ng sumuko sa pamahalaan ito aniya dahil sa walang tigil na operasyon ng militar sa Sulu.

Dahil sa pahayag ni Misuari nakatutok na rin ang joint task force Sulu sa mga posible pang sumukong bandido.

Facebook Comments