Inirerekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) na mabigyan ng pagkakataon ang food and beverage manufacturing companies na mag-angkat ng asukal para sa mga produktong nangangailangan nito.
Sa gitna ito ng apektadong operasyon ng naturang industriya dulot ng kakulangan sa suplay ng asukal.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, isinusulong nila na mapahintulutan ang food and beverage na mag-import ng sariling suplay ng asukal.
Ngunit para magawa ito, kailangan aniya ay kumuha ng parehong suplay mula sa imported at local sources o ang tinatawag na “one-for-one”.
Naniniwala rin si Pascual na makatutulong ang binuong task force na magre-review sa available supply ng asukal pati na ang ikinakasang inspeksyon sa mga warehouse.
Sa ngayon, tiniyak ng kalihim na nakatutok ang ahensya sa pagtulong sa mga apektadong industriya at pag-monitor sa presyo ng mga pangunahing bilihin.