Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at pagkonsumo ng hindi reghistradong food supplements.
Hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ang mga sumusunod;
Ampalaya capsules;
Ashitaba food supplement;
Banaba capsules;
Banaba food supplement;
Bignay capsules;
Lagundi capsules;
Natural herb lagundi food supplement;
Sambong capsules;
Natural herb spirulina food supplement;
At Taheebo capsules.
Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng FDA, ang food supplements ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration (CPR).
Alinsunod sa Republic Act No. 9711, o ang Food and Drug Administration Act of 2009, ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon, pagpapatalastas o sponsorship ng produktong pangkalusugan nang walang kaukulang awtorisasyon mula sa FDA ay ipinagbabawal.
Dahil ang hindi rehistradong produktong ito ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri at pag-eeksamin ng FDA, hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan nito.