Magbibigay ng tulong o assistance ang pamunuan ng Food and Drug Administration North Luzon para sa mga MSMEs sa Lungsod ng Dagupan.
Sa naging meeting ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Dagupan sa pamumuno ni Mayor Fernandez at ng FDA North Luzon Cluster Director Gomel Gabuna ay iminungkahi ng opisyal ang mga mahahalagang proyekto para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) o mga may maliliit na Negosyo partikular na sa bangus processing.
Ayon sa director, tutulong umano ang ahensya para sa mga MSMEs sa lungsod sa kanilang pagkuha ng lisensya sa pagnenegosyo ng processed bangus para sa posibleng exportation o pagluluwas sa mga ito sa ibang lugar.
Ayon sa alkalde ay kanya nang naumpisahan ang ganitong proyekto sa pamamagitan ng bangus branding at kanila ring naipatayo ang isang product center sa lungsod.
Suportado naman ng LGU ang tulong at mungkahing ito ng ahensya para sa ikabubuti ng mga maliliit na negosyante sa lungsod.
Samantala, ani ng Fernandez plano umano ng LGU na buhaying muli ang napabayaang bangus deboning area sa Malimgas Market sa loob ng ilang taon. |ifmnews
Facebook Comments