Food and Job Caravan sa Las Piñas City, dinagsa

38

Bumuhos ang bilang ng mga aplikanteng naghahanap ng trabaho sa Food and Job Caravan sa Robinsons Place Las Piñas ngayong araw sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod.

Ayon kay Red Garcia, Manager ng PESO Las Piñas, inaasahan nila ang higit sa 350 aplikante na lalahok sa mega job fair, habang nasa 30 na kumpanya naman ang inimbitahan upang makapagbigay trabaho.

Sa ating pag-iikot, hired on the spot si Maria Fe Argarin matapos mag-apply bilang sorter sa Lucky Star Service Placement Inc.


Puspusan rin ang paghahanap ng trabaho ng nakita nating pinakamatanda na applicant na si Dante Escarlan, 57, mula sa Pulang Lupa, na nais maging welder o electrician.

Ilan sa mga kumpanya na narito ay Phoenix Southern Petroleum Corp, Robinsons Department Store, Robinsons Supermarket, Hernando Manpower Services, Excel Pro, at Angels Biomed.

Tatanggap ng mga aplikante ang PESO Las Piñas hanggang alas-5:00 ng hapon pero puputulin ang registration mamayang alas-3:00 ng hapon.



Facebook Comments