• FOOD ASSISTANCE PARA SA MGA FRONTLINERS SA BAYAN NG SISON, IPINAMAHAGI

Ipinamahagi ang food assistance para sa mga frontliners na kabilang sa hanay ng PNP, BFP at MDRRMO sa bayan ng Sison.
Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Sison at ilang kawani mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, naging matagumpay ang pamamahagi ng food assistance na mga sinakong bigas na handog para sa mga frontliners ng nasabing bayan.
Dumalo rin ang ilang mga kinatawan ng ahensya ng PNP at BFP sa pamamahagi.
Ito naman ay upang maipakita ang suporta at pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan ng Sison sa mga serbisyong ibinibigay ng mga frontliners para sa kanilang bayan. *|ifmnews*
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>
Facebook Comments