May sapat na tulong para sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette.
Tiniyak ito ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa harap ng pagdami ng mga inilikas na pamilya dahil sa pananalasa ng bagyo.
Sa datos ng NDRRMC, may mahigit 933 milyon pisong mga food at non-food items ang nakahandang ipamigay sa mga apektado.
Kabilang sa non-food items ay ang hygiene kits, malong, family packs, kumot, surgical masks at tarpaulin.
Hanggang kahapon, may mahigit 3000 pamilya ang inilikas na dahil sa tindi ng pananalasa ng bagyo sa kanilang lugar.
Patuloy naman ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong lalo na ang mga nawalan ng komunikasyon at supply ng kuryente upang agad makapag hatid ng tulong.
Facebook Comments