FOOD AT NUTRITION SECURITY, ISANG KARAPATAN AT HINDI PRIBILEHIYO – NNC

Binigyang-diin sa pangunguna ng National Nutrition Council na ang Food at Nutrition Security ay isang karapatan at hindi pribilehiyo.

Kasunod ito ng patuloy na pagtataguyod ng kagawaran ng aspetong pang nutrisyon upang tuluyang mawakasan ang kaso ng malnutrisyon at matugunan ang food insecurity.

Alinsunod dito, inilunsad ang 51st Joint Regional and City Nutrition Month Launching na may temang “Food at Nutrition Security, Maging Priority. Sapat na Pagkain, Karapatan Natin” sa San Carlos City, Pangasinan.

Tinalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat at masustansyang pagkain lalo na para sa mga bata ss Rehiyon Uno at sa bansa, sa tulong ng mga ahensya sa pagsasakatuparan sa mga kaugnay na programa.

Dinaluhan ito ng iba’t-ibang ahensya tulad ng DOH, DA, DSWD, at iba pa, maging ang mga magigiting na Barangay Nutrition Scholars na silang nangunguna sa mga nutrition programs za kani-kanilang barangay.

Hinikayat ang mga katuwang na ahensya ng gobyerno, National Government Agencies, Civil Society, mga pribadong sektor, school at academe at ang publiko na makipagtulungan sa pagsuporta ng PPAN 2023-2028 na target mawakasan ang anumang uri ng malnutrisyon sa bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments