FOOD FOREST AT EDIBLE LANDSCAPE, MGA BAGONG PROYEKTONG INIHAHANDA NG LUNGSOD

Baguio, Philippines – Matapos ang matagumpay na proyekto ng lungsod ng survival garden ng  City Veterinary and Agriculture Office (CVAO), isinusulong ngayon ng  Baguio City Planning and Development Office (CPDO) ang proyektong ‘food forests’ at ‘edible landscapes’ para maibsan ang pagkaantala ng food supply, makadagdag sa makakalikasang kapaligiran ng lungsod at magsisilbi din ito bilang mga “Green Covers”.

Matatandaan na ang layunin ng Survival Garden ay para mabigyan ng sapat na pagkukuhanan ng masustansyang pagkain ang mga residente sa panahon ng krisis at dahil dito, hindi imposible ang malagong potensyal ng pagpapatuyo ng ‘food forests’ at ‘edible landscapes’ sa mga piling lugar na kinalaunan ay maari din magamit para maibsan ang mababang supply ng pagkain sa panahon ng krisis, ayon yan sa perspektibo ni CPDO chief Architect Donna R. Tabangin.

Dagdag pa nya na isa din ito sa dagdag na solusyon ng mga makabagong Micro, Small and Medium Enterprises kung saan maaari din makadagdag sa maganda at mabuting lokal na ekonomiya ng syudad.


Facebook Comments