Nakakatulong ang virgin coconut oil (VCO) na hinalo sa mga pagkain na mabawasan ang sintomas sa mga indibidwal na probable at suspected cases ng COVID-19.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST), Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD), Philippine Coconut Authority (PCA) at Ateneo de Manila University (ADMU).
Batay sa pag-aaral, ang VCO ay maaaring gamiting supplement sa probable at suspected cases ng COVID-19.
Napipigilan ng VCO na mapalala pa ang sakit.
Ang study team ay in-evaluate ang epekto ng VCO na ibinigay sa mga indibidwal na hinihinalang mayroong COVID-19 na naka-quarantine sa Santa Rosa Community Quarantine Facility at Santa Rosa Community Hospital sa Santa Rosa, Laguna.
Nasa 57 suspect at probable COVID-19 patienst ang lumahok sa 28-day intervention period, 29 ay mula sa VCO Group at 28 sa Control Group.
Ang mga sintomas tulad ng ubo, sipon, pananakit ng katawan, sakit ng ulo, kawalan ng panlasa at pang-amoy at lagnat ay binantayan sa loob ng 28 araw.
Agad na napansin nakita ang epekto ng VCO sa lima mula sa 29 na pasyente sa loob lamang ng dalawang araw, at isang pasyente mula sa Control Group.
Wala nang nakikitang sintomas ang VCO Group sa Day 18, habang nawala ang sintomas ng Control Group sa Day 23.
Ang VCO na ginamit sa pag-aaral na in-analyze ng Laboratory Service Division ng PCA para matiyak na ang kalidad ng produkto ay naaayon sa Philippine National Standard (PNS).