Food pack distribution sa San Juan City, magtutuloy-tuloy hanggang matapos ang ECQ

Tiniyak ni San Juan City Mayor Francis Zamora na magtutuloy-tuloy ang pamamahagi ng food packs sa mga San Juaneño’s hanggang hindi natatapos ang Enhanced Community Quarantine.

Kahapon inanunsyo ni Zamora na magsisimula na naman silang mamigay ng mga food packs para sa ika limang linggo ng ECQ.

Umaasa naman si Zamora na makakatulong ang mga food packs na ito sa kanyang mga constituent ngayong panahon ng krisis.


Sa huling ulat ni Mayor Zamora, umaabot sa 191 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa San Juan City.

33 naman ang naitala nang namatay dahil sa COVID-19 at 121 ang naka admit at naka self quarantine.

Panawagan ng alkalde sa kanyang mga kababayan na patuloy na sumunod sa quarantine protocols.

Facebook Comments