Mahigit dalawang milyong food packs na ang naipamahagi ng pamahalaang lokal ng Quezon sa mga residente nito mula nang umiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.
Bukod pa rito ang mga naunang ipinamahagi ng mga barangay officials.
Mula sa inisyal na 500,000 food packs, dinagdagan pa ng lgu ang kanilang alokasyon sa 950,000 food packs para maisama ang iba pang household sa informal sector, street dwellers, mga nangungupahan at stranded na mga tao sa lungsod.
Payo pa ng LGU sa sinuman na hindi pa nakakatanggap ng ayuda ay direkta nang makipag ugnayan sa kanilang mga barangay.
Ongoing na rin ang distribution ng financial assistance sa mga beneficiaries mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD.
Hanggang kahapon mahigit na 36, 500 pedicab, tricycle, jeepney, AUV, taxi at TNVS drivers; market vendors; solo parents, senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ang nabigyan na rin ng financial assistance mula sa Kalingang QC program.