FOOD PACKS PARA SA BRGY.SONQUIL, STA.BARBARA, HINDI UMANO INENDORSO SA BARANGAY COUNCIL

Nilinaw ng barangay council ng Sonquil, Sta.Barbara na wala itong natanggap na food packs mula sa Municipal Social Welfare Development at lokal na pamahalaan sa pamahahaging isinagawa noong nakaraang linggo.

 

Nakasaad sa online post ng lokal na pamahalaan, 782 food packs ang tinanggap sa Brgy. Sonquil at handa nang ipamahagi sa mga residente.

 

Ayon sa barangay council, hindi umano direktang ibinaba ang mga naturang relief sa barangay hall at mga “ordinaryong mamamayan” ang tumanggap nito matapos umanong hindi ipaalam ng tatlong kagawan ang distribusyon.

 

 

Sa kabila nito tiniyak naman ng council ang karagdagang tugon sa relief upang maabutan ang lahat ng evacuees bilang isa sa mga pinakalubog na lugar tuwing may pagbaha.

 

Isa ang Sta.Barbara sa mga bayan sa Pangasinan na nagdeklara ng State Of Calamity dahil sa malawakang epekto ng pagbaha sa mga residente.

 

Samantala, patuloy ang isinasagawang relief operation sa mga barangay kabilang pa ang relief augmentation mula sa Pamahalaang Panlalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments