CAUAYAN CITY – Patuloy pa rin ang Provincial Government of Isabela (PGI) sa pagsasagawa ng repacking ng mga food packs para sa mga pamilyang apektado ng bagyong Nika sa buong lalawigan ng Isabela.
Ayon kay Officer in Charge Gina Rivero ng Provincial Social Welfare and Development Office, bago pa man magsimulang maramdaman ang epekto ng bagyo ay sinimulan na umano nila ang repacking.
Unang isinagawa ito kasama ang mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Public Safety Office-Isabela, at volunteers mula sa 202nd Ready Reserve Infantry Battalion kung saan ay nakabuo sila ng 5,000 food packs.
Samantala, mayroon pang stockpile na 8,700 food packs ang PGI na naglalaman ng mga iba’t ibang uri ng canned goods, kape, at bigas kung saan ay magsisilbi ito bilang standby food packs sakali mang maubos ang nga goods na ibinigay ng DSWD.