FOOD POISON | 8 mag-anak mula Camotes Island, naospital matapos kumain ng “bulot”

23

Danao City – Walong magkamag-anak mula Camotes Island ang naospital matapos makitaan ng sintomas ng food poisoning.

Sa ulat, nakaranas ng pagsusuka, pagsakit ng ulo, at tiyan ang mga pasyente kung saan sumama ang kanilang pakiramdam matapos kumain ng “bulot” isang klase ng root crop sa lugar.

Niluto ito ng mister na si alyas Allan para sa kanilang pananghalian.

Nabatid na sumakay ng barko ang pamilya mula Camotes Island patungong Danao City kung saan sila kasalukuyang naka-confine at patuloy na inoobserbahan.

Facebook Comments