Davao City – Patay ang dalawang bata at nasa ospital naman ang ina at dalawa pang anak nito matapos na hinihinalaang nalason sa kinain nila noong Mayo 17, araw ng Huwebes sa Zone II, Bitaog, Sta. Cruz, Davao del Sur.
Isang 3 at 5 anyos na mga bata ang namatay at patuloy naman na inoobserbahan sa ospital ang nanay at dalawa pang bata.
Sinabi ng ama ng pamilya na kumain sila ng halaan o kinason bandang alas 4 ng hapon pero wala namang nangyari sa kanila.
Bandang alas 7 ng gabi, kumain sila ng nilagang baboy na galing sa kanilang kapitbahay at doon nagsimula na sumakit ang kanilang mga tiyan.
Patuloy pa na inaalam ng Sta. Cruz Municipal Heath Center kung ano ang rason ng pagkalason ng pamilya.
Napagkaalaman din na walang nangyaring pananakit ng tiyan sa mga kapitbahay nila matapos kumain ng mga nasabing ulam.
Paniniwala ngayon ng pamilya na nilagyan na lason ang kanilang pagkain matapos na pumunta ang padre de pamilya sa isang manggagamot sa kanilang probinsya at doon daw umano kanyang isinuka ang nasabing lason.