Sumailalim sa isang pagsasanay ang mga meat vendors sa bayan ng Bugallon bilang pagpapa-igting sa kaligtasan ng mga karneng ibinebenta sa bayan.
Sa naturang pagsasanay, ibinahagi ng mga kawani ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang patungkol sa “Food Safety Seminar” kung saan ito ay dinaluhan ng mga meat vendors at taga-katay ng karne mula sa slaughter house.
Sa naging pagtalakay ng mga kawani ng NMIS ay kanilang ibinahagi ang tamang pagproseso sa mga karne na ibinebenta sa merkado at ang kahalagahan ng mga ito upang mas mapanatili ang ligtas at malinis na produktong bibilhin ng mga konsyumer.
Ayon sa NMIS, kung nagkaroon ng hindi maayos na food handling sa mga meat products ay may posibilidad na makakuha ng iba’t ibang klase ng sakit.
Binigyang-diin ng lehitimong inspectors na ito ang responsibilidad ng mga tindera sa kanilang mga inilalakong paninda para sa kaligtasan ng bawat konsyumer sa bayan.

Facebook Comments