Food security measures sa harap ng Ukraine crisis, pinaghahandaan na ng DA

Ikinalugod ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte, na mag-realign ng pondo at pag-apruba ng dagdag na pondo sa Plant, Plant, Plant Program bilang food security measures sa harap ng Ukraine crisis.

Ayon kay Secretary Dar, mahigpit ang tagubilin ni Pangulong Duterte sa naging pulong ng gabinete na tiyaking may sapat, mura at accessible na suplay ng mga basic food items ang publiko sa gitna ng global challenges.

Gayundin ang pagkakaloob ng mga agricultural inputs na magpapataas sa productivity at kita ng mga magsasaka at mga mangingisda.


Kabilang sa mga hakbang na ipatutupad ay ang pagkakaloob ng pautang ng Land Bank of the Philippines (LandBank) at Development Bank of the Philippines (DBP) sa mga provincial local government unit para sa palay procurement at rice buffer stocking.

At ang pagbabalik ng oversight power ng DA sa National Irrigation Administration.

Facebook Comments