Food security sa bansa, tiniyak ng pamahalaan – Nograles

Tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na nananatiling committed ang pamahalaan na pagtibayin ang food security sa bansa.

Ito ay kahit malabong maabot ang zero hunger target sa taong 2030 bunga ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Nograles na Chairperson ng Zero Hunger Task Force ng pamahalaan, ilulunsad ng gobyerno ang “National Food Policy” kasabay ng paggunita ng World Food Day sa October 16.


Nakapaloob sa polisiya ang mga inisyatibo sa paglaban sa kagutuman, pagkamit ng food security at pagpapabuti ng nutrition at pagsusulong ng sustainable agriculture.

Aminado si Nograles na nakadagdag ang pandemya sa pagdami ng mga taong nakararanas ng gutom.

Sa ilalim ng National Food Policy, siniguro ng pamahalaan na mayroong access sa sapat at masustansyang pagkain ang mga mahihirap.

Kabilang sa road map ay mga programa para sa food production, food accessibility at availability, nutrition at food resiliency.

Tutugunan din nito ang “hidden hunger” o ang kagutuman na dulot ng mga pagkain na kulang sa essential nutrients.

Facebook Comments