Food security sa Filipino households, bumuti – FNRI

Mas maraming Filipino households ang nakakaranas na ngayon ng food security nitong 2018.

Ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI), nasa 53.9%  na lamang ang food insecure households, mababa kumpara sa 66.1% noong 2015.

Lumabas din sa survey na 50.3% ng Filipino households ay palaging inaalala ang kanilang makakain.


37.8% ng Filipino households ay napipilitang kumain ng pagkain na hindi nila gusto, 19.1% naman ang kumakain ng less than three meals sa isang araw, habang nasa 7.3% ang natutulog na gutom at 3.3% ang halos hindi na nakakakain sa isang araw.

Ang Expanded National Nutritional Survey 2018 ay sakop ang 40,000 respondents sa 40 probinsya sa bansa.

Facebook Comments