Food sovereignty, isa sa mas tatalakayin ni Pangulong Marcos Jr., sa kaniyang SONA ngayong araw

Isa sa mga tutukan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw ay food sovereignty.

Ayon kay Executive Secretary Vic Rodriguez, gusto kasi ng pangulo na magkaroon ng food sovereignty ang bansa maliban pa sa tina-target na food security.

Ayaw aniya ni Pangulong Marcos na umasa ang bansa sa importasyon.


Dagdag pa ni Rodriguez na ito ang dahilan kung kaya’t personal na pinamamahalaan ng pangulo ang Department of Agriculture (DA).

Matatandaang sinabi ni Rodriguez na tututukan din ng pangulo sa kaniyang SONA ang usapin sa pagresponde ng gobyerno sa COVID-19, mga plano para makabangon ang ekonomiya at digitalization sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Facebook Comments