Food Stamp Program ni PBBM, malaking kagínhawahan sa mahihirap

Umaasa ang libo-libong mahihirap na pamilya sa Maynila lalo na ang mga naninirahan sa Tondo sa inilatag na programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pamamahagi ng food stamps sa mga walang sapat na pambili ng pagkain.

Ayon sa grupo ng mga benipisyaryo, malakíng tulong sa kanila ang nasabing programa ni Pangulong Marcos.

Umaasa sila na magtutuloy-tuloy ang proyektong food stamp ng pangulo bilang pantawid sa araw-araw na pangangailangan.


Matatandaan na idineklara ng Malakaniyang ang ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program’ na pangunahing programa ng Marcos administration kung saan batay sa Executive Order No. 44, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mangangasiwa rito katuwang ang ibang ahensiya ng gobyerno para sa mabilis na distribusyon sa mga benepisyaryo ng programa.

Layunin ng food stamp program na mabawasan ang bilang ng mga nagugutom na pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card na ibibigay sa mga benepisyaryo para makakuha ng pagkain sa partner merchant stores ng pamahalaan.

Adhikain ni Pangulong Marcos na matuldukan ang problema sa kagutuman, maabot ang target na food security, mapaigting ang nutrisyon at matatag na agrikultura pagsapit ng 2030.

Facebook Comments