Food stamp program, pinamadali ng NEDA sa DSWD bilang tugon sa pagbilis ng inflation

Pinamamadali ngayon ng National Economic and Development Authority o NEDA ang pagpapatupad ng Food Stam Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Inihayag ito ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan makaraang maitala ng Philippine Statistics Authority o PSA ang pagbilis ng inflation rate sa 5.3 porsyento nitong Agosto kumpara sa 4.7 porsyento noong Hulyo.

Binigyang diin ni Balisacan na dapat maisalya na agad ang Food Stamp Program lalo’t ito naman ay prayoridad ng DSWD na layuning maibsan ang epektong dulot ng inflation.


Magugunitang malaki ang nai-ambag sa pagbilis ng inflation ang mataas na presyo ng bigas gayundin ng iba pang pangunahing bilihin maging ang produktong petrolyo.

Paliwanag ni Balisacan, tatagal lamang ng 6 na buwan ang 3 libong pisong food credit na ibinibigay sa mga benepisyaryo kada buwan.

Nitong Hulyo nang ilunsad ng DSWD ang pilot implementation ng Food Stamp Program sa Tondo, Maynila at target naman itong ipatupad sa buong bansa sa unang bahagi ng 2024.

Facebook Comments