Food Stamp Program, tiyak makatutulong sa mga mahihirap na pamilya

Buo ang suporta ni House Deputy Majority Leader and Iloilo 1st District Representative Janette Garin sa pagpapatupad ng Food Stamp Program (FSP) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos “Bongbong” Marcos Jr.

Nakakasiguro si Garin na malaki ang maitutulong ng programa para ang bawat mahihirap na pamilya ay may maihahain sa kanilang lamesa.

Dagdag pa ni Garin, hindi lamang nito maiibsan ang kalagayan ng mga pamilyang Pilipino kundi makakatulong din sa mga magsasaka at Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) dahil ang ibibigay na tulong ay maaari lamang gamitin pambili sa mga accredited retailer.


Tinukoy ni garin na layunin ng programa na bawasan ang pagkagutom na nararanasan ng mga low-income household sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card na magagamit sa pagbili ng mga pangangailangan mula sa mga piling merchant.

Binanggit ni Garin na napakatagal ng panawagan na magkaroon ng food stamp program kaya kanyang ikinalugod na ito ay maisasakatuparan na ng pamahalaan.

Facebook Comments