FOOD STRIP AT BARATILYO SA DAGUPAN CITY, PATULOY PA RING DINADAGSA NG PUBLIKO

Halos mapuno ang espasyo sa bahagi ng food strip sa Dagupan City dahilan ang pagdagsa ng mas maraming tao lalo ngayong papalapit ang Yuletide season.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa mga stall vendors, tumaas na ang sales sa mga kainan dahil mas dumadami rin umano ang pumapasyal at kumakain dito.

Araw-araw na ring nakikitaan ng pagdami ng mga consumers na nagpupunta sa baratilyo upang makapamili para sa pagdiriwang ngayong taon.

Kaugnay nito, nakaantabay naman ang ilang kawani ng POSO Dagupan maging ang hanay ng kapulisan upang matiyak pa rin ang seguridad sa naturang bahagi ng lungsod.

Samantala, sa tuwing sumasapit ang gabi, nararanasan ang mabagal na daloy ng trapiko sa downtown area. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments