Higit pa sa isang daang porsyento ang Food Sufficiency Level ng Region I, ayon mismo sa Department of Agriculture (DA) base sa CY 2024 Performance of Agriculture Sector sa rehiyon.
Sa tala ng tanggapan, kinabibilangan ito ng mga produktong bigas na nasa 180% ang sufficiency level tulad ng mais, mangga, kamatis, sibuyas, mungbean, mani, at kambing na pawang nga priority commodities.
Nauna nang inihayag ng DA Ilocos na patuloy ang pagbibigay ng kalidad na mga produkto at serbisyo sa mahigit apat na raang libong mga magsasaka sa rehiyon.
Samantala, nananatili sa top producer ang rehiyon sa bansa sa ilang mga produkto tulad ng mangga, talong, kamatis at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









