Patuloy ang pamamahagi ng mga food supplies para sa mga apektadong Dagupeño dulot pa rin ng nararanasang matindi pagbaha na halos isang linggong nararanasan ng mga residente sa lungsod.
Matatandaan na patuloy din ang pag-ikot ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Dagupan upang maipaabot sa mga residente sa lahat ng tatlumpu’t-isang Barangay sa lungsod ang mga essentials habang patuloy ding hinaharap ng mga ito ang pagbaha.
Nakamonitor din ang Public Alert Response and Monitoring Center – PARMC Dagupan upang patuloy na umantabay sa lebel ng tubig pagbaha at magbigay paalala sa mga motorista at mga nagmamaneho ng mga sasakyan.
Samantala, nananatili pa rin sa mataas na bilang ang mga evacuees mula sa halos tatlumpu’t-isang Barangay sa lungsod sa mga evacuation center sa kanilang mga barangay at alinsunod dito ay patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Barangay Disaster Risk Reduction Management Council sa LGU Dagupan kaugnay sa mga tulong na kakailanganin ng mga evacuees. |ifmnews
Facebook Comments