‘FOOL-PROOF SYSTEM’ | PNP, naglunsad ng bagong recruitment process

Manila, Philippines – Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang isang ‘fool-proof system’ para maiwasan ang pagsasagawa ng mapanlinlang na recruitment process sa mga police applicants.

Ang bagong recruitment system ay mayroong Robust Neuro Psychiatric Medical at Dental System (RONMEDDS) kung saan sasailalim ang mga bagong aplikanteng pulis sa National Capital Region Training Center sa Camp Bagong Diwa, Bicutan sa Taguig City.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, sa pamamagitan ng bagong sistema ay masasala ng maayos ang mga police recruit, malaya mula sa ‘human intervention’ ng mga influence peddler.


Ani Albayalde, ang RONMEDDS ay inisyal na bahagi pa lamang ng screening process para sa police recruits na layong matiyak na ang mga indibidwal na may good moral character at right mindset ang makakapasok sa police service.

Facebook Comments