FOOTBALL | Neil Etheridge maglalaro sa English Premier League sa susunod na season

Manila, Philippines – May Pilipinong football player na lalaro sa isa sa pinakasikat na liga sa buong mundo.

Nakuha kasi nina Neil Etheridge at Cardiff City ang ikalawang puwesto sa Championship para mapromote ang koponan sa English Premier League sa susunod na season.

Si Etheridge ay ang long-time goalkeeper ng Philippine Azkals at ng Blue Birds.


Nakalikom ng 90 points ang Cardiff City matapos ang 0-0 draw nila kagabi kontra Reading para muling makabalik sa top flight competitions ang koponan.

Ito ang ika-19 na clean sheet para kay Etheridge na malaki rin ang papel na ginampanan para makapasok sa 2019 Asian Cup ang Philippine Azkals.

Huling nakapaglaro sa EPL ang Cardiff City apat na taon na ang nakakaraan.

Facebook Comments