Quezon City – Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa bukas sa publiko ang footbridge na nakita sa isang viral video sa social media sa Congressional Avenue sa Quezon City.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, mayroong malaking signage at harang sa mismong footbridge.
Posible aniyang tinanggal ng kumuha ng video ang harang para dumaan at kunan ito ng video.
Sa ngayon, umabot na mahigit 15,000 shares at 1 million views ang naturang video sa Facebook.
Pagtitiyak ni Garcia, inaalam na ng engineers ng MMDA kung sino ang may-ari ng cable wires sa footbridge.
Binigyan din ng MMDA ang may-ari ng cable wires ng hanggang sa araw ng Huwebes para alisin ito.
Facebook Comments