“For later release fund” na aabot ng P160 billion, ipinalalabas ng isang kongresista

Hinihikayat ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez si Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos na ang paglalabas ng P160 billion na “For Later Release” (FLR) funds sa lalong madaling panahon.

Iginiit ni Rodriguez na ang pangha-hijack o pagpigil sa pondo ng bayan na magastos ay “unconstitutional”.

Umapela ang kongresista sa pangulo na agad na bigyang direktiba ang Department of Budget and Management (DBM) na ilabas na ang pondo.


Tinukoy pa ng mambabatas na ang P160 billion na FLRs ay line item sa ilalim ng 2021 budget na inaprubahan ng Kongreso at nilagdaan ng pangulo.

Hindi na aniya kakailanganin ng approval ng presidente para lamang mailabas ang nasabing pondo dahil nasa batas na dapat gugulin ito, taliwas sa unang sinasabi ni DBM officer-in-charge Tina Rose Marie Canda.

Giit pa ni Rodriguez, kung magmamatigas ang Ehekutibo sa paghold sa budget na nakapaloob sa pambansang pondo ay sinasagaan na ng sangay ng gobyerno ang “power of the purse” ng Kongreso.

Kung hindi aniya ire-release ang pondo ay maaaring mapagbintangan ang Palasyo na gagamitin lamang ito sa pulitika at sa pagpabor sa mga kaalyado.

Facebook Comments