FOR SAFETY REASONS | Dahil sa ibon, eroplano, bumalik sa airport

Amerika – Noong isang linggo, isang eroplano na may biyaheng Tokyo, Japan ang bumalik sa paliparan sa Los Angeles matapos madiskubreng maling eroplano ang nasakyan ng isa nitong pasahero.

Weird hindi ba? Pero alam niyo ba, isang eroplano na may biyaheng Michigan-Georgia ang napilitan namang bumalik sa paliparan matapos na makapasok sa loob ng flight deck ang isang maliit na ibon!

Ayon sa Delta officials, posibleng sumabay sa pagpasok ng mga pasahero sa loob ng eroplano ang isang hummingbird.


Nag-alala naman piloto dahil baka kung anong mangyari kung hahayaan lang nilang magpalipad-lipad sa loob ng cockpit ang ibon kaya nagdesisyon siyang bumalik sa Detroit Metro Airport.

Isang oras pa nilang hinanap ang ibon at nang makita agad na pinakawalan.

Hindi naman na nagreklamo ang mga pasahero sa abalang idinulot ng ibon sa kanilang biyahe, basta ang mahalaga anila ay ang kanilang kaligtasan.

Facebook Comments