United States – Isang kakaibang set of items ang ipinagbibili ngayon ng Ontario Man na si Dave Alexander sa online shop na Ebay.
Ito ay ang cheeseburger at fries ng sikat na fast food chain na umano ay anim na taon nang nakatago sa kanyang shelf!
Sabi ni Dave sa kanyang online post, “never eaten” ang 6-year old burger and fries na kung titingnan ay parang bagong bili pa raw.
Medyo nangitim na nga lang ang burger habang sing-tigas ng hockey puck ang tinapay nito.
June 6, 2012 nang bilhin niya ang burger at fries dahil gusto raw niyang malaman kung totoo ang sabi-sabing hindi nade-decompose ang pagkain ng naturang fast food chain.
Anim na araw na lang ay ia-auction na ang nasabing food items pero noong Biyernes umabot na sa 62.65 US dollars ang bids nito na katumbas ng mahigit P3,300.