Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Sylvia Sanchez sa pagkakalink ng kanyang anak na si Arjo Atayde kay Maine Mendoza.
Say ni Sylvia, hindi naman lingid sa kanya ang mga lumalabas na larawan nina Arjo at Maine sa social media.
Pero kapag tinatanong raw niya si Arjo hinggil rito ay nginingitian lang siya nito.
Dagdag ni Sylvia, nirerespeto niya ang anak sa desisyon nitong huwag magsabi sa kanya.
Basta ang pagtitiyak ni Sylvia masaya ang kanyang anak ngayon.
Facebook Comments