FORBES MAGAZINE | Pangulong Duterte, pasok sa listahan ng World’s Most Powerful People

Manila, Philippines – Pasok sa pang-animnaput siyam (69) na pwesto ngayong si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng World’s Most Powerful People na inilabas ng Forbes magazine.

Mula sa pang-70 noong nakaraang taon ay umangat ng isa ang pwesto ni Duterte sa mga pinaka-maimpluwensyang tao sa buong mundo ngayong taon.
Sa report ng Forbes, binanggit ang war on drugs ng Duterte administration at inilarawan ang pangulo bilang “raw and vulgar”.

Naungusan naman ni Chinese President Xi Jinping sa unang pwesto si Russian President Vladimir Putin na apat na taong magkakasunod na nangunguna sa listahan.


Nasa ikatlo si US president donald trump habang kasama sa Top Ten sina Pope Francis, ang philanthropist na si Bill Gates at si Larry Page ng Google.

Bukod sa Forbes, nauna nang napasama si Duterte sa Time magazine kung saan nakahilera ang kanyang mukha sa iba pang world leaders bilang strong man.

Pero, sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga promoted na opisyal ng Armed Forces of The Philippines, pinalagan ng pangulo sa tawag na strong man dahil hindi naman siya naging diktador.

Facebook Comments