Handang magpatupad ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng force repatriation sa mga Pilipinong manggagawa na nasa Libya kapag lumala pa ang sitwasyon doon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – posibleng i-akyat sa alert level 4 ang sitwasyon na hudyat ng sapilitang pagsisilikas sa mga OFW.
Magpapadala na rin sila ng rapid reaction team o augmentation team sakaling ideklara na ang alert level 4 na siyang tutulong sa repatriation.
Dagdag pa ni Bello – ang team ay itatalaga sa Tunisia at hindi sa Tripoli.
Aabot sa 2,600 documented Filipino workers sa Libya, habang hindi pa tiyak ang bilang ng undocumented workers.
Karamihan sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Libya ay mga nurses, medical workers at engineers.
Facebook Comments