Forced evacuation, ipinag-utos ni Sec. Teodoro sa 54,000 indibidwal na nakatira sa 6 km danger zone ng Bulkang Kanlaon

Nagpatupad ng forced evacuation sa mga residenteng nakatira sa 6 km danger zone ng Bulkang Kanlaon.

Ayon kay Defense Secretary at National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC Chair Gilberto Teodoro Jr., aabot sa 54,000 ang aktwal na bilang ng mga residenteng nasa loob ng 6 km radius danger zone.

Aniya, posible pang madagdagan ang bilang kapag mas lumubha pa ang sitwasyon at aktibidad ng Bulkang Kanlaon.


Nagiging pagsubok din aniya para sa kanila ang paglilikas sa mga residente partikular sa mga ayaw iwanan ang kanilang tahanan at mga ari-arian.

Patuloy naman ang panawagan ng kalihim sa mga apektadong lokal na pamahalaan na mahigpit na bantayan ang mga lugar na nilisan ng mga bakwit upang masigurong hindi na ito babalikan ng mga inilikas na residente.

Facebook Comments