Forced evacuation, pinatutupad na sa isang barangay sa Laurel, Batangas kaugnay ng pag-alburoto ng Bulkang Taal

Nagsasagawa na ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Air Force (PAF), at Philippine National Police (PNP) ng sapilitang paglilikas sa mga residente ng Barangay Buso-Buso, Laurel, Batangas

Kasunod ito ng forced evacuation order na ipinalabas ng Laurel Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ngayong hapon.

Sa harap pa rin ito ng pinaiiral na Alert Level 3 dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.


Ang mga inilikas na residente ay dinala sa evacuation center sa Sta. Maria Elementary School sa Sta. Maria, Laurel, Batangas.

Sa ngayon ay patuloy na nakararanas ng mga pagyanig ang mga residente sa mga lugar na malapit sa bulkan.

Ilan din sa mga residente ay kusa nang nagsilikas simula pa kahapon.

Facebook Comments