Forced quarantine sa mga Pilipinong manggagaling sa mga bansang may COVID-19 cases, hiniling na ipatupad ng mga LGUs

Hiniling ni Cavite Representative Elpidio Barzaga sa Local Government Units o LGUs na magpatupad ng forced quarantine sa mga Pilipinong mula sa mga bansang may naitalang COVID-19 cases.

Inoobliga ni Barzaga, ang mga LGUs na isailalim sa 14-day quarantine ang mga residente na magmumula sa mga bansang may kaso ng COVID-19 upang makontrol ang local transmission ng virus.

Pinakikilos naman nito ang mga kinauukulan na ipagbigay-alam sa LGUs ang sinumang kababayan na nanggaling sa Corona Virus hit-areas.


Sa ganitong paraan, mababantayan sila ng lokal na pamahalaan at matitiyak na nasusunod ang 14-day quarantine period.

Tinukoy ni Barzaga, ang nakapaloob sa Local Government Code na maaaring ipasa sa LGUs ang mga usaping may kinalaman sa kalusugan para makatulong ito lalo na sa panahong kailangan tumugon sa problema o emergency.

Facebook Comments