Washington – Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpulong sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at US Secretary of State Mike Pompeo.
Nangyari ang pagpupulong sa Washington kung saan tinalakay nila ang pagpapalakas pa ng alyansa ng Pilipinas at Amerika.
Binanggit din ni Cayetano kay Pompeo na positibo ang Pilipinas sa naging pagkikita nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-un.
Bukod dito, pinasalamatan din nina Cayetano at National Security Adviser Hermogenes Esperon si Pompeo sa ipinaabot na tulong ng Amerika sa Pilipinas sa pagsugpo ng terorismo at rehabilitasyon ng Marawi City.
Facebook Comments