Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin, iginiit na hindi nag-sorry si Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jingping

Iginiit ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. na hindi humingi ng sorry si Pangulong Rodrigo Duterte nang igiit niya kay Chinese President Xi Jinping ang 2016 arbitral ruling sa kanilang pulong noong nakaraang Linggo.

Ito ang paglilinaw ng kalihim matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na naging ‘apologetic’ ang pangulo nang i-akyat ang ruling.

Ayon sa Locsin, hindi tinanggihan ng China ang pagtalakay ng pangulo sa kanila ng arbitral ruling.


Pero nanindigan din ang China sa pang-aangkin nila.

Matatandaang ang United Kingdom, France, at Germany ay nanawagan sa mga bansang may claims sa South China Sea na igalang ang 2016 Abritration Ruling at ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Facebook Comments