Muling nagpasaring si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. sa ilang mga militanteng grupo na tumututol sa planong Joint Investigation sa nangyaring pagbangga at pag-iwan ng Chinese Vessel sa bangkang pangisda ng 22 Pinoy sa Recto Bank.
Unang ipinaliwanag ni Locsin na plano pa lamang ang sinasabing imbestigasyon at hindi pa naman ito napapag-usapan pa.
Nabatid kasi na ipinanawagan ni Teddy Casino ng bayan muna na dapat magkaroon ng sariling imbestigasyon ang Pilipinas saka kausapin ang gobyerno ng China para papanagutin ang may sala.
Sagot naman ni Locsin na ginawa na daw ng pamahalaan ang hakbang at natapos na nila ito pero wala daw karapatan si Casino para malaman o makita nito ang resulta.
Sa huli, ayaw na din pang pag-usapan pa ni Locsin ang naging isyu niya kay Vice President Leni Robredo dahil sapat na daw na humingi siya ng tawad dito.