Lumagpas na sa anim na milyon ang bilang ng foreign arrivals sa bansa sa unang siyam na buwan ng taon.
Sa datos ng Department of Tourism (DOT), aabot na sa 6,161,503 na turista ang bumisita sa bansa mula Enero hanggang Setyembre.
Higit 14% na mas mataas kumpara sa 5.3 million arrivals sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.
Ikinatuwa naman ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pinipili ng mga turista na bisitahin ang Pilipinas ngayong taon.
Patunay ito na kinikilala ang Pilipinas sa sektor ng turismo.
Pinakamaraming bumibisita ay mga Koreano na nasa 1.4 million arrivals, kasunod ang China na may 1.3 million.
Pangatlo ang Estados Unidos na may halos 800,000 arrivals, nasa higit 500,000 naman ang Japan.
Pang-lima ang mga Taiwanese na nasa higit 252,000 arrivals.