Hindi saklaw ng pinaiiral na travel restrictions ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mga dayuhang papasok ng Pilipinas na magmumula sa mga bansang nakitaan ng panibagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, exempted ang mga local at accredited foreign diplomats gayundin ang mga taga- World Health Organization (WHO) at ibang international organization gaya ng United Nations.
Gayunpaman, kailangan pa rin silang sumailalim sa RT-PCR test pagdating sa bansa at dapat ding dumaan sa 14-day quarantine period.
Bukod dito, ang sinumang pasahero na darating sa Pilipinas na nabakunahan na ng anti- COVID-19 vaccines ay required pa ring sumalang sa mandatory testing at quarantine protocols.
Ang paghihigpit ay upang maiwasang makapasok sa bansa ang bagong variant ng COVID-19 na pinaniniwalaang mas mabilis makahawa.
Nabatid na nasa 21 mga bansa ang sakop ng travel ban ng Pilipinas na magtatagal hanggang January 15.