Manila, Philippines – Tumaas ng labing isang (11) porsyento ang FDI o Foreign Direct Investment sa unang buwan ng taong ito ayon sa Bangko Sentral Ng Pilipinas o BSP.
Batay sa tala ng BSP, ang 1.05 million dollars na naitalang FDI ay mas mataas sa 947 million dollars na puhunang ipinasok ng mga dayuhan sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon kay BSP Governor Amando Tetangco Jr., ang magandang ratings ng Pilipinas na ibinigay ng mga tinitingalang credit agencies tulad ng Moody’s, S&P Global Ratings at Fitch ang siyang nakapag-akit sa mga dayuhan para mamuhunan sa bansa.
Dahil dito, bababa na ang babayarang interes ng Pilipinas sa mga pagkakautang nito at mabibigyan ng karagdagang prebilehiyo na makapangutang muli sa mga susunod na panahon kung kakailanganin.
DZXL558