Manila, Philippines – Ibinida ngayon ng Palasyo ng Malacañang na patuloy ngayon ang pagtaas ng Foreign Direct Investment (FDI) sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, umabot na sa 7.9 billion US dollars ang FDI ng bansa na lumampas na sa 6.7 billion dollars na target ngayong taon na ito at mas mataas ng 40.7% kung ikukumpara sa 2015 FDI.
Sinabi ni Abella na bahagi ito ng pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang mga pangako na pagandahin ang buhay ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga poverty alleviation projects at pagpapanumbalik ng tiwala ng publiko sa gobyerno at kapayapaan sa bansa.
Binigyang diin din ni Abella na marami pang foreign investors ang tumitingin sa bansa dahil sa positibong pagbabago na nangyayari na dulot ng magandang economic fundamentals, pagtaas ng infrastructure spending, tax at constitutional reforms at pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa.
DZXL558