Foreign domestic workers sa Hong Kong, pinag-iingat sa pagtitipon sa harap ng bahagyang pagtaas na naman ng kaso ng COVID-19 doon

Nagpaalala ang Labor Department ng Hong Kong sa Foreign Domestic Workers (FDHs) doon na patuloy na sundin ang regulasyon sa social distancing

Sa harap ito ng bahagyang pagtaas na naman ng kaso ng COVID-19 infection doon.

Mula kasi sa 200 hanggang 300 na kaso kada araw, nakapagtala na naman ang Hong Kong ng mahigit 500 kaso kada araw.


Sa ngayon, mahigpit na pinagbabawal ang pagtitipon ng mahigit sa apat katao.

Nagpaalala naman ang Philippine Consulate General sa Pinoy domestic workers sa Hong Kong na mahigpit na sundin ang social distancing protocol at ang palagiang pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang pagmulta ng 5,000 Hong Kong dollars.

Facebook Comments